-- ADVERTISEMENT --

Tatlo ang kumpirmadong nasawi habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa isang fishpond sa Timako Hill, Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Datu Maceda Taup Yusop, 53-anyos na negosyante na umano’y pangunahing target ng mga suspek; Mokamad Tabunaway Lanta ng Lebak, Sultan Kudarat; at Reni Hamsa, isang mangingisda at residente ng lugar.

Patuloy namang nagpapagaling sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang dalawang sugatang trabahante na kinilala sa mga alyas na Daryl at Jun.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay PCapt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office–BAR, sinabi nitong nagkita ang mga biktima at suspek para sa isang transaksyon sa pagbili ng mga produkto nang biglang bumaba mula sa isang puting Toyota Hilux ang tatlong armadong lalaki at pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon kay Salanguit, tinututukan na ng mga awtoridad ang tinatayang limang suspek bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa insidente.