Itinaas na sa Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa patuloy na paglakas ng Tropical Storm Basyang na patungo sa silangang bahagi ng rehiyon.
Batay sa pinakahuling datos, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong humigit-kumulang 440 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lakas ng hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-west southwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Kasama sa mga lugar na nasa Signal No. 2 sa Mindanao ang Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Davao Oriental partikular ang Boston, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Bukidnon tulad ng Impasug-ong, Manolo Fortich, Malitbog, Sumilao, Libona, Baungon, Malaybalay City at Cabanglasan, pati na rin ang Camiguin.
Samantala, nasa Signal No. 1 naman ang ilang lugar sa Visayas kabilang ang Southern Eastern Samar, Southern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Southern Aklan, at central at southern Antique.
Sa Mindanao, kabilang din sa Signal No. 1 ang Dinagat Islands, Davao Oriental maliban sa Boston, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, ilang bahagi ng Bukidnon, Northern Cotabato, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Norte, Misamis Occidental, ilang bahagi ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Northern Zamboanga Sibugay.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko sa mga apektadong lugar na maghanda at makinig sa mga abiso ng kinauukulang ahensya kaugnay sa posibleng epekto ng bagyo.






