-- ADVERTISEMENT --

Naghain si Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III ng isang panukalang batas na magtataas sa ₱350,000 ang taunang kita na hindi na papatawan ng income tax.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga empleyadong kumikita ng hanggang ₱250,000 kada taon ang exempted sa withholding tax. Layunin ng bagong panukala na itaas ang threshold upang mabawasan ang pasanin sa buwis ng mas maraming manggagawa.

Ang panukalang “Expanded Income Tax Exemption of 2026” ay naaayon sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27, kung saan hiniling niyang amyendahan ng Kongreso ang umiiral na batas at itaas sa ₱350,000 ang tax-free annual income.

Kapag naaprubahan, nakasaad sa panukala ni Sotto na ang mga manggagawang kumikita ng ₱350,000 o mas mababa bawat taon ay hindi na magbabayad ng income tax simula Enero 1, 2027.