Kinuwestiyon ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni Vice President Sara Duterte, ang naging hakbang ng Senate Impeachment Court na baguhin ang interpretasyon sa voting threshold na kailangan para sa conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Panelo, nakasaad umano sa Konstitusyon ang kinakailangang bilang ng boto upang mahatulan ang isang impeachable official. Aniya, nagkaroon ng pagbabago sa dating interpretasyon matapos bumoto ang mayorya ng senator-judges.
Inihayag ni Panelo ang kanyang pagtutol matapos ang 13-1 na botohan ng impeachment court, kung saan anim na senator-judge ang hindi lumahok.
Sa bagong interpretasyon, binago ng impeachment court ang paraan ng pagtukoy sa denominator na gagamitin sa pagkalkula ng two-thirds threshold para sa conviction.
Tinawag naman ni Panelo na “lokohan lang ’to” ang naging proseso, habang patuloy na nakabinbin ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.













