-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panawagan ng Makabayan bloc na ibalik sa Kamara ang inaprubahang 2027 national budget bill upang maitama ang mga probisyong posibleng lumalabag sa Konstitusyon.

Ayon kay Gatchalian, kayang tugunan ng Senado ang mga kinakailangang pagbabago sa pagsusuri ng panukalang pambansang badyet, kabilang ang mga probisyon sa unprogrammed appropriations at lump-sum allocations, nang hindi na kailangang ibalik ito sa Kamara.

Nagbabala naman si Senador Panfilo Lacson na maaaring humantong sa reenacted budget ang pagbabalik ng panukala, na posibleng magdulot ng problema dahil hindi detalyado ang paggagamitan ng ilang pondong nakapaloob dito.

Inihayag din ni Lacson na nagkasundo silang bawasan ng ₱2 bilyon ang panukalang budget ng Senado, mula ₱7 bilyon ay gagawin itong ₱5 bilyon, nang hindi naaapektuhan ang operasyon ng kapulungan.

Samantala, patuloy ding sinusuri ni Gatchalian ang mga kahina-hinalang proyektong pang-imprastraktura sa bersyon ng Kamara, kabilang ang mga farm-to-market road na may maling lokasyon at mga dobleng proyekto.