-- ADVERTISEMENT --

Hindi nakapasok sa podium si Filipino gymnastics star Carlos Yulo sa men’s floor exercise finals ng 2026 Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands, matapos magtapos sa ikawalong puwesto.

Nakapagtala si Yulo ng 13.233 puntos matapos mahulog sa ikalawang bahagi ng kaniyang routine, na nagresulta sa 0.3-point penalty.

Nakuha ni Frederick Richard ng Estados Unidos ang kampeonato, sinundan ni Jake Jarman ng Great Britain, habang pumangatlo si Artem Dolgopyat ng Israel.

Sa kabila ng resulta sa floor exercise, nakatuon naman ang atensyon kay Yulo para sa vault finals na nakatakdang ganapin ngayong Linggo ng gabi, kung saan inaasahang muli siyang lalaban para sa medalya.