-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na ang beteranong Hollywood actor na si Tom Skerritt sa edad na 93. Nakilala siya sa mahigit anim na dekadang karera sa pelikula at telebisyon.

Kabilang sa mga tanyag na pelikulang kaniyang kinabilangan ang Alien (1979), kung saan gumanap siya bilang Captain Dallas, Top Gun (1986) bilang si Mike “Viper” Metcalf, at Steel Magnolias (1989).

Bukod sa pelikula, lumabas din siya sa mga sikat na serye sa telebisyon gaya ng MASH*, Bonanza at Gunsmoke. Isa sa mga pinakamahalagang tagumpay niya ang pagkapanalo ng Primetime Emmy Award noong 1993 para sa kaniyang pagganap sa drama series na Picket Fences.

Ipinanganak si Skerritt noong Agosto 25, 1933 sa Detroit, Michigan, at nagsimulang umarte sa pelikula noong 1960s. Bago sumikat sa Hollywood, nagsilbi muna siya sa United States Air Force.

Kabilang sa mga huling pelikulang kaniyang kinabilangan ang Broke, na ipinalabas noong 2025. Sa mahabang panahon ng kaniyang karera, nag-iwan siya ng mahalagang ambag sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Amerika.