-- ADVERTISEMENT --

Target ni Filipino gymnastics star Carlos Yulo ang dalawang gintong medalya sa finals ng men’s floor exercise at vault events ng 2026 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands.

Nakatakdang sumabak si Yulo sa floor exercise finals ngayong alas-8 ng gabi matapos pumangalawa sa qualifiers na may 14.500 points, kasunod ni Arsenii Dukhno ng Russia na nagtala ng 14.700 points.

Sa vault finals naman bukas, papasok si Yulo bilang ikaanim sa qualifiers matapos makakuha ng 14.266 points. Nanguna sa event sina Jake Jarman ng Great Britain at Artur Davtyan ng Armenia na kapwa may 14.633 points.

Nauna nang nagkampeon si Yulo sa floor exercise noong 2019 at sa vault noong 2021 at 2025 sa World Championships.

Samantala, nabigo namang makapasok sa finals ang kapatid niyang si Karl Eldrew Yulo, kasama sina Juancho Miguel Besana at Haylee Garcia.