-- ADVERTISEMENT --

Nagpatupad ang pamahalaan ng 60-araw na price freeze o pansamantalang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Layunin ng hakbang na mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan habang nagpapatuloy ang relief at rehabilitation efforts sa mga nasalantang komunidad.

Matatandaang ang malakas na lindol na tumama malapit sa Maasim, Sarangani noong Lunes ay nagdulot ng malawakang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, araw-araw na nagmo-monitor ang mga regional office ng pamahalaan upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain at hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nakikipag-ugnayan din ang gobyerno sa mga supplier at distributor upang maiwasan ang kakulangan ng produkto sa mga lugar na nahirapang maabot dahil sa nasirang mga kalsada at iba pang imprastraktura.

Samantala, naglaan din ang pamahalaan ng tulong para sa mga negosyong naapektuhan ng lindol, lalo na ang mga micro, small, and medium enterprises.