-- ADVERTISEMENT --

Pinag-aaralan ng Malacañang ang panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa gitna ng umiiral na hamon sa ekonomiya at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Claire Castro, bukas si Ferdinand Marcos Jr. sa mga rekomendasyong makatutulong sa bansa, kabilang ang mungkahing ipagpaliban ang halalan na posibleng magresulta sa pagtitipid ng hanggang ₱16 bilyon.

May ilang sektor ang nananawagan ng anim na buwang postponement ng BSKE na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2, at iminungkahi na ilaan na lamang ang pondong nakalaan dito upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa ekonomiya.

Gayunpaman, nauna nang nagpahayag ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang paulit-ulit na pagpapaliban ng naturang halalan.