-- ADVERTISEMENT --

Posibleng madagdagan pa ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatanggal sa puwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y iregularidad sa mga proyekto ng ahensya, partikular sa mga flood control project.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, patuloy na sinusuri ng kagawaran ang mga kuwestiyonableng proyekto at ang posibleng pananagutan ng mga opisyal na sangkot sa mga ito.

Kabilang sa apat na sinibak ang tatlong opisyal ng DPWH sa Davao: sina District Engineer Richard Ragasa, Assistant District Engineer Lilibeth Sarmiento, at Construction Chief Roberto Mamaril.

Sinibak din si Engr. Renato Catingub, Construction Chief ng DPWH sa Cebu, kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad.

Patuloy namang iniimbestigahan ng DPWH ang mga reklamo at posibleng paglabag upang matukoy ang iba pang maaaring managot sa mga kuwestiyonableng proyekto.