Nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa mga alkalde na masusing repasuhin ang mga tanggapan sa ilalim ng kanilang pamamahala upang matukoy at maiwasan ang mga posibleng insidente ng korapsyon.
Partikular na binigyang-pansin ni Remulla ang mga transaksiyon at kontrata na may kaugnayan sa local garbage collection at waste management, na aniya ay dapat bantayang mabuti.
Pinuri rin ng Ombudsman sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanilang pagtangging mapasama sa mga panuntunang maaaring magbukas ng posibilidad sa mga iregularidad.
Kabilang sa mga tanggapang nais niyang masusing masuri ang Office of the Building Official at Business Processing and Licensing Office, bukod sa iba pang tanggapan na may mahalagang papel sa mga transaksiyon ng lokal na pamahalaan.
Hinimok naman ni Remulla ang publiko na agad ireport sa kanilang tanggapan ang anumang kahina-hinalang gawain o alegasyon ng anomalya na kinasasangkutan ng mga lokal na opisyal.













