-- ADVERTISEMENT --

Kumpiskado ng mga awtoridad ang isang unit ng baril at mga bala sa isang lalaki sa isinagawang Oplan Kapkap sa Purok 5, Barangay Osias, Kabacan, Cotabato nito lamang ika-11 ng Pebrero 2025.

Kinilala ni PLTCOL MIRIDEL RACHO CALINGA, Officer-In-Charge ng Kabacan MPS ang suspek na si alyas “SAM” 26 na taong gulang , tricycle driver at residente ng Barangay Balong, Pikit Cotabato.

Bandang 11:00 ng gabi, nagsagawa ang nasabing istasyon ng ronda patrol at kapkap bakal sa nasabing lugar at nakuspiskahan ang suspek ng isang unit ng caliber 45 na pistol, magasin, at mga bala. Nabigo ang suspek na magpakita ng kaukulang dokumento kaya agad siyang inaresto.

Nasa kustodiya ng Kabacan Municipal Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Paglabag sa Omnibus Election Code.