-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman ang rekomendasyon ng Department of Justice na sampahan ng plunder case si Jinggoy Estrada at iba pang opisyal kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa press conference noong Mayo 18, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na kabilang si Estrada sa mga “primary respondents” sa resolusyong inilabas ng DOJ.

Bukod kay Estrada, kabilang din sa mga pinangalanan ng DOJ si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manny Bonoan.

Nanatiling tikom naman si Estrada hinggil sa kaso at tumangging magbigay ng detalye. “No comment. Talk to my lawyer,” maikli niyang pahayag sa media.

Nauna nang ibinunyag ng Ombudsman na kabilang din sa mga iniimbestigahan kaugnay ng flood control controversy sina Chiz Escudero at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa mga dati at kasalukuyang senador na nasangkot sa usapin, si dating senador Bong Revilla pa lamang ang naaresto kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects.