-- ADVERTISEMENT --

Apektado ang mga motorista at biyahero matapos bumagsak ang isang tulay sa Purok 2, Callawa sa Davao City.

Ayon sa mga ulat, gumuho ang tulay matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig dulot ng matinding pagbaha noong gabi ng Mayo 18, 2026, kasabay ng patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng lungsod.

Sa bidyong kuha ni Ronel Coranes, makikita ang lawak ng pinsalang idinulot ng insidente at ang pagkasira ng bahagi ng tulay.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng beripikasyon at masusing assessment ang mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang pinsala at ang kinakailangang hakbang para sa pagkukumpuni o rehabilitasyon ng nasirang imprastraktura.

Samantala, naghahanap na rin ang lokal na pamahalaan ng alternatibong ruta upang maibsan ang abala sa mga motorista at residente na apektado ng pagguho ng tulay.