Hindi lamang sa showbiz nag-iingat si Andrea del Rosario, kundi pati na rin sa sariling kalusugan.
Kinailangan niyang sumailalim sa minor eye surgery matapos magkaroon ng stye o “kuliti,” na sanhi umano ng maling paggamit ng makeup at false eyelashes.
Sa kanyang social media post noong Biyernes, Marso 6, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang sarili na may eye patch matapos ang operasyon.
Matatandaan na sinabi na rin niya sa social media live na dahil hindi pa rin nawawala ang kuliti, kailangan itong alisin sa pamamagitan ng clinical procedure.
Pinapaalalahanan ni Andrea ang kanyang mga followers na maging maingat sa paggamit ng makeup at brushes, lalo na sa mga eyelash extensions at false lashes, bilang paalala na mahalaga rin ang kalusugan sa gitna ng pagiging busy sa trabaho at showbiz.













