-- ADVERTISEMENT --

Kampante si Manila 6th District Representative Benny Abante Jr. na hindi maaapektuhan ng mga kinakaharap na criminal cases ni Vice President Sara Duterte ang impeachment case laban sa kanya sa Senado.

Ayon kay Abante, magkahiwalay ang pananagutan ni Duterte sa Senate Impeachment Court at sa regular na mga korte na dumidinig sa kanyang criminal cases. Hindi rin umano magbabago ang impeachment proceedings kahit madagdagan pa ang mga reklamong kriminal laban sa Bise Presidente.

Kabilang sa kasalukuyang kaso ni Duterte ang tatlong counts ng grave threats, kung saan naglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 4. Mayroon din umanong mga alegasyon hinggil sa paggamit ng intelligence funds na sinusuri ng Office of the Ombudsman.

Hinamon naman ni Abante si Duterte na harapin ang mga kasong kinakaharap niya sa parehong trial court at impeachment court.

Binalikan din ng mambabatas ang mga pagkakataong hindi dumalo si Duterte sa mga pagdinig ng House of Representatives sa kabila ng mga imbitasyon, na para kay Abante ay hindi paggalang sa proseso ng imbestigasyon at paglilitis.