-- ADVERTISEMENT --

Limang katao ang naiulat na sugatan matapos hagupitin ng Bagyong Dolphin ang southern island ng Okinawa sa Japan.

Bukod sa mga nasugatan, tinatayang 14,000 gusali ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa epekto ng bagyo.

Naramdaman din ang epekto nito sa Amami Island sa Kagoshima prefecture, habang maraming flight ang kinansela sa ilang lugar, kabilang ang mga biyahe patungo sa China at Taiwan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, umabot sa 162 kilometro kada oras ang lakas ng hangin ng bagyo, habang pumalo naman sa 216 kph ang pagbugso nito.

Matapos dumaan sa Okinawa, kumikilos na patungo sa direksyon ng China ang Bagyong Dolphin.