Hiniling ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa Supreme Court na ideklarang null and void ang September 23 ruling ng Senate impeachment court sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang 24-page petition na inihain noong September 24, hiniling din niya ang pag-isyu ng temporary restraining order (TRO) laban sa ruling.
Kuwestiyon ni Rodriguez ang bagong paraan ng pagkalkula ng two-thirds voting threshold, kung saan ang denominator ay ibinabatay sa mga senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa proceedings, sa halip na sa buong 24 miyembro ng Senado.
Ayon sa kanya, malinaw sa Article XI, Section 3(6) ng 1987 Constitution na two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado ang kailangan para sa conviction—na katumbas ng 16 na boto kung 24 ang kabuuang senador.
Hiniling din niyang ibalik ang July 6 ruling na nagtakda ng 16 boto bilang conviction threshold. Giit niya, hindi maaaring baguhin ng Senate rules ang constitutional requirement.
Apat na senador ang hindi lumahok sa proceedings: Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Loren Legarda, at Bato dela Rosa.













