-- ADVERTISEMENT --

Nagpakitang-gilas si John Riel Casimero matapos niyang patumbahin sa pamamagitan ng technical knockout ang Mexican boxer na si Luis Nery sa kanilang laban na ginanap sa Japan.

Mula pa lamang sa unang round ay ipinakita na ni Casimero ang kanyang lakas nang maipabagsak niya si Nery. Nasundan pa ito ng isa pang knockdown sa ikalawang round at muling pagdomina sa ikatlong round.

Hindi humina ang opensiba ng 37-anyos na Pinoy boxer sa ikaapat na round. Patuloy niyang kinontrol ang laban hanggang sa tuluyang mapatigil ang kanyang kalaban, dahilan upang itala niya ang panalo sa pamamagitan ng technical knockout.

Sa tagumpay na ito, umangat ang rekord ni Casimero sa 36 panalo, limang talo, at isang draw, kung saan 25 sa kanyang mga panalo ay mula sa knockout. Samantala, bumagsak naman sa tatlong talo ang rekord ni Nery, na may 37 panalo sa kanyang karera.

Matapos ang laban, nagpahiwatig si Casimero ng interes na makasagupa ang Japanese boxing superstar na si Naoya Inoue, na matagal nang itinuturing na isa sa mga pinakamalalaking laban na maaaring mangyari sa dibisyon.