-- ADVERTISEMENT --

Ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ay naglabas ng security alert para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkasawi ng dalawang Amerikanong mamamayan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupo sa Toboso, Negros Occidental.

Sa naturang alerto, binanggit ang mga lugar tulad ng Leyte, Mindoro, Negros, at Samar.

Pinayuhan ang kanilang mga mamamayan na sumunod sa mga umiiral na batas at regulasyon habang nananatili sa bansa.

Matatandaang kabilang ang dalawang US citizens sa 19 na nasawi nang magsagawa ng operasyon ang Armed Forces of the Philippines laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Salamanca noong Abril 19.