-- ADVERTISEMENT --

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawak sa buong bansa ng B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System, isang technology-driven platform na unang binuo sa CALABARZON.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin nitong pabilisin ang pag-uulat, pagbabahagi ng impormasyon at koordinasyon ng pulisya, paaralan at lokal na stakeholders kapag may emergency o security incident.

Makakatulong umano ang sistema sa mas mabilis na pagtukoy sa mga banta at pagresponde sa mga insidente sa loob at paligid ng mga paaralan.

Isinasaalang-alang ang pagpapalawak ng sistema kasunod ng mga pangamba sa school safety, kabilang ang tatlong insidente ng school shooting at iba pang kaso ng karahasan na naitala ngayong taon.