Nagpatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng LPG kung saan umabot sa P3 kada kilo ang rollback sa Liquefied Petroleum Gas o cooking gas nitong Biyernes ng umaga. Katumbas ito ng humigit-kumulang P33 na bawas sa presyo ng isang 11-kilong tangke.
Ayon kay Arnel Ty, na pangulo rin ng LPG Marketers’ Association, ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng mas murang gastos sa shipping at transportasyon.
Dagdag pa niya, may posibilidad pang masundan ang rollback na ito depende sa magiging galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Samantala, nauna nang nilagdaan ni Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order na pansamantalang nagsususpinde ng excise tax sa LPG at kerosene sa loob ng tatlong buwan. Layunin ng hakbang na ito na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga konsyumer.













