-- ADVERTISEMENT --

Muling nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng mga bansa sa Gitnang Silangan na magsagawa ng pag-uusap upang wakasan ang umiiral na kaguluhan.

Ayon sa Santo Papa, dapat pag-isipan ng mga responsable sa giyera ang malubhang kahinatnan ng kanilang mga aksyon.

Aniya, kinakailangan munang magkaroon ng ceasefire na agad susundan ng masinsinang pag-uusap upang maiwasan ang karagdagang pagkasawi at pagkasira ng ari-arian.

Binigyang-diin niya ang halimbawa ng nangyaring giyera sa Lebanon, kung saan maraming buhay ang nawala at napinsala ang mga ari-arian.

Magugunitang ilang ulit nang nanawagan ang Santo Papa sa mga lider ng Israel, US, at Iran na itigil ang labanan dahil sa dumaraming bilang ng mga bansang apektado.