Nasungkit ni Sasiwararin Atsawahirankarn ng Thailand ang korona ng Miss Asia Pacific International 2026 matapos makipagtagisan sa 37 kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa coronation night sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Nagtapos bilang first runner-up si Gia Angelique Franceschi ng Costa Rica, habang second runner-up si Nompumelelo Malindi ng South Africa. Nakuha naman ni Philippine bet Gabrielle Galapia ang third runner-up title, kasunod si Itzel Idolina Silva Borbon ng Mexico bilang fourth runner-up.
Bago ang final competition, namayagpag si Galapia sa special awards matapos masungkit ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown. Nakuha rin niya ang pinakamaraming boto para sa Darling of the Press award.
Ikalawang sunod na taon nang idinaos sa Cebu ang international pageant, na nagdiriwang ng ika-58 anibersaryo nito ngayong 2026.













