Pinag-aaralan ng mga trucker ang posibilidad na itaas ang kanilang mga singil ng hanggang 50% dahil sa patuloy na pagtaas ng gastos.
Ito ay sa kabila ng inaasahang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Mary Zapata, presidente ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), kung matutuloy ang prediksyon na aabot sa P90 ang presyo ng kada litro ng petrolyo, wala silang magagawa kundi magtaas ng kanilang singil sa kliyente.
Dagdag pa ni Zapata, maliban sa petrolyo, siguradong tataas din ang iba pang mga gastusin tulad ng spareparts, gulong, at langis.
Kahit pa itigil ng gobyerno ang excise tax sa langis, hindi pa rin ito magiging sapat upang mapigilan ang pagtaas ng presyo, kaya’t magtataas pa rin sila ng singil upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin.













