-- ADVERTISEMENT --
Mahigit 317,000 aktibong miyembro at pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS) ang maaaring makinabang sa pinalawak na emergency loan assistance para sa mga naapektuhan ng mga bagong bagyo at Habagat.
Naglaan ang GSIS ng mahigit P8 bilyon para sa programa na saklaw ang 16 na lugar sa Luzon at Mindanao.
Maaaring makahiram ng hanggang P20,000 ang mga kwalipikadong miyembrong walang kasalukuyang loan, habang hanggang P40,000 naman ang maaaring makuha ng mga may natitirang loan balance.
Layunin ng assistance na makatulong sa mga miyembro at pensioner sa kanilang agarang gastusin at iba pang pangangailangan matapos maapektuhan ng kalamidad.













