-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga pasahero at tripulante ng MV June Aster na nasunog noong gabi ng Setyembre 9.

Kasabay nito, nagsagawa ang PCG, PNP Forensic Unit, Bureau of Fire Protection at Coron Municipal Police ng inspeksyon sa barko upang makalikom ng ebidensyang makatutulong sa pagtukoy sa sanhi ng sunog.

Samantala, umabot na sa 7,865 galon ng oily water mixture ang nakolekta mula sa barko bilang bahagi ng hakbang para maiwasan ang polusyon at posibleng oil spill.

Patuloy ding mino-monitor ng PCG ang kondisyon ng MV June Aster at karagatan sa paligid nito habang nagpapatuloy ang search operations at imbestigasyon sa insidente.