-- ADVERTISEMENT --
Posibleng mas tumaas ang gastos ng mga biyahero sa pagsakay ng eroplano matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang passenger fuel surcharge mula Level 13 sa Level 14.
Sa ilalim ng bagong antas, nasa mahigit ₱450 hanggang ₱1,336 ang maaaring idagdag sa pamasahe para sa mga domestic flight.
Para naman sa international flights, maaaring umabot sa mahigit ₱1,500 hanggang ₱11,220 ang karagdagang singil, depende sa ruta at flight.
Ayon sa patakaran, ina-adjust ang fuel surcharge kasabay ng pagbabago sa presyo ng jet fuel sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, inaasahang mararamdaman ng mga pasahero ang dagdag-gastos sa kanilang airfare habang nananatiling mataas ang presyo ng aviation fuel.













