-- ADVERTISEMENT --
Bahagyang bumaba ang ranking ng Alex Eala, ang Pinay tennis star.
Ayon sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA), nasa ika-32 na ang posisyon niya.
Bumaba ito ng isang puwesto mula nang makamit niya ang career-record ranking na number 31 noong nakaraang linggo.
Ang pag-angat ng kanyang puwesto ay matapos siyang makaabot sa quarterfinals ng Dubai Tennis Open.
Pinaghahandaan na ngayon ni Eala ang laban niya sa BNP Paribas Open sa California na magsisimula ngayong linggo.












