Pinag-aaralan ng Malacañang ang mga karagdagang hakbang upang maibsan ang epekto sa mga Pilipino ng paghina ng piso na umabot sa ₱63 kada dolyar.
Ayon sa Palasyo, tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang administrasyon ang posibleng epekto nito sa mamamayan at ang mga hakbang na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Kabilang sa mga salik na nakaaapekto sa ekonomiya ang patuloy na sigalot sa Middle East at ang epekto ng El Niño. Posible rin umanong makaapekto sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan ang mga usaping pampulitika at pagpapakalat ng maling impormasyon.
Patuloy namang pinag-aaralan ng administrasyon ang mga posibleng hakbang upang maibsan ang epekto ng mga hamong ito sa ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino.












