-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela ang imbitasyon ni Sen. Rodante Marcoleta para sa isang “friendly debate” bago nito ikonsidera ang naunang alok na bumisita sa West Philippine Sea (WPS) at Kalayaan Island Group (KIG).

Ayon kay Marcoleta, nais muna niyang magkaroon ng isang talakayan kasama sina Tarriela, dating Associate Justice Antonio Carpio, at UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal bago siya tumuloy sa nasabing pagbisita.

Before that, please inform Commodore Tarriela along with former Associate Justice Antonio Carpio. Who is the professor at UP? Let us have a friendly debate before going there,” pahayag ng senador. Aniya, layunin nito na matiyak na ang talakayan ay maisasagawa nang maayos at para sa kapakanan ng bansa.

Nauna nang inimbitahan ni Tarriela si Marcoleta na sumama sa isang Maritime Domain Awareness (MDA) flight patungong KIG matapos magpahayag ang senador na maaaring “isuko” ng Pilipinas ang nasabing island group, dahil ang ilan sa mga tampok o feature nito ay umano’y nasa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.