Tiniyak ni lead prosecutor Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na magpapatuloy ang House prosecution sa paghaharap ng mga ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court.
Ayon kay Luistro, ilalatag din ng panel ang pormal nitong posisyon kaugnay sa bribery article ng impeachment case.
Iginiit niya na hindi layunin ng prosecution na pahabain ang paglilitis at dapat may malinaw na pag-usad sa bawat hearing day.
Nasa korte na umano ang mga ebidensiya kaugnay ng confidential funds at grave threats, habang nagpapatuloy ang presentasyon ng mga dokumento at testimonya tungkol sa alegasyon ng unexplained wealth.
Sinabi ni Luistro na bahagi ng mandato ng prosecution ang maiharap ang ebidensiya at makumpleto ang kaso upang mabigyan ng malinaw na sagot ang publiko sa mga alegasyong nakapaloob sa impeachment complaint.













