KORONADAL CITY – Balik kulungan ngayon ang isang 42-anyos na magsasaka matapos maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation pasado alas-siyete y medya ng umaga nitong Martes, Setyembre 16, 2025, sa Purok Lower Supon, Barangay San Jose, Koronadal City.
Kinilala ang suspek na si alyas Rode, residente rin ng naturang lugar.
Narekober mula sa kanya ang isang pakete ng hinihinalang shabu bilang poseur item, dalawa pang small size na pakete ng shabu, at isang ₱500 marked money.
Kakasuhan siya ng paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matatandaang nakalaya pa lamang noong 2024 ang suspek mula sa kaparehong kaso.
Patuloy naman ang panawagan ng mga otoridad sa lahat na iwasan na ang masangkot sa illegal na droga.