-- ADVERTISEMENT --

Nagtapos sa semifinals ang kampanya ni Alex Eala sa women’s singles ng 2026 Asian Games matapos siyang patumbahin ni Chinese player Wang Xiyu sa tatlong set, 6-3, 3-6, 6-2.

Nagpakita ng matinding simula si Eala at agad na nakalamang ng 5-0 sa unang set. Nakabawi si Xiyu hanggang 5-3, ngunit naisara pa rin ng Pinay ang set, 6-3.

Bumawi naman si Xiyu sa second set matapos kontrolin ang laro at umabante ng 5-1. Kahit nakadikit si Eala sa 5-3, hindi na napigilan ng Pinay ang Chinese player na kunin ang set, 6-3.

Sa deciding set, muling nagpakita ng agresibong laro si Xiyu at mabilis na nakalamang, 4-1. Hindi na nakahabol si Eala hanggang tuluyang isara ng kanyang katunggali ang set, 6-2.

Sa kabila ng pagkabigo sa semifinals, may maiuuwi pa ring medalya si Eala matapos makasungkit ng bronze medal para sa Pilipinas sa women’s singles tennis.