-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ng aktres na si Nadia Montenegro ang alegasyong siya’y gumamit ng marijuana sa loob ng comfort room ng Senado.

Batay sa imbestigasyon ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), may ulat na nagsasabing naaktuhan umano si Montenegro na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Subalit, depensa ng aktres, vape lamang na may flavored liquid ang kanyang ginamit at walang katotohanan ang paratang.

Ayon sa OSAA, nagsimula ang imbestigasyon matapos magsumbong ang ilang empleyado ng Senado na nakasaksi sa insidente.

Patuloy na tinatipon ang mga ebidensya upang malinawan ang pangyayari bago isumite ang pinal na ulat sa pamunuan para sa kaukulang aksyon.

Samantala, naging mainit na paksa sa social media ang isyu, kung saan hati ang opinyon ng publiko, may naniniwala sa pahayag ng aktres at mayroon ding nananatiling naghihintay ng resulta ng imbestigasyon.