-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos mahulihan ng ilegal na baril sa isinagawang seach warrant operasyon ng mga tauhan ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station sa Barangay Kulaman, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat noong ika-20 ng Setyembre 2024.

Kinilala ni Police Major Ronalyn P Dominder, Chief of Police ng Senator Ninoy Aquino MPS, ang suspek na si alyas “Dong”, 34 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Brgy. Kulaman, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat

Ayon kay PMaj Domider, matagumpay na naaresto ang suspek dahil sa pinagsanib pwersa ng mga awtoridad ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station katuwang ang 2 Sultan Kudarat Police Mobile Force Company na nagresulta sa pagkakakumpiska ng dalawang (2) maliit na pakete na pinaghihinalaang shabu, Isang (1) unit ng cal. 22 pistol na may serial number 40367, isang (1) piraso ng steel magazine ng cal 22 pistol, limang (5) pirasong live ammunition ng cal 22 mm, 1 unit cal. 5.56 break open pistol tatlong (3) piraso ng live ammunition of cal.5.56mm at tatlong (3) piraso ng fired cartridge case of 5.56 mm.

Ang Senator Ninoy Aquino PNP ay patuloy na pinalalakas ang kampanya laban sa loose firearms sa direktiba ng ating Pangulo Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr. upang maging ligtas ang kanilang nasasakupan.