-- ADVERTISEMENT --

Pinaniniwalaang illegal drugs equipment ang nadiskubre ng awtoridad sa isang warehouse sa bahagi ng Sitio Sagel, Brgy Pinol, Maitum, Sarangani Province, nito lamang umaga ng Linggo, Agosto 4, 2024.

Sa ulat ng Sarangani PNP, dakong alas 8:30 ng umaga ng ni-raid din ang naturang warehouse sa bisa ng Search Warrant na pinangunahan ni PCOL Deanry R. Francisco, Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office (SPPO) kasama ang mga tauhan ng Maitum MPS, PIU, PDEU, PDEG, 2nd PMFC, 38th IB PA at PDEA 12.

Dagdag pa, ang bodega ay matatagpuan sa loob ng isang kampo na inaangkin ng MNLF. Kung saan, tumambad sa awtoridad ang mga pinaniniwalaang illegal drugs equipment na ginagamit para makagawa ng bultuhang ilegal na droga.

Samantala, sasampahan ng kasong paglabag sa Section 26, Sec 26, in relation to Sec 8 Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isang Chinese national na kinilalang si alyas “Tommy Go”, na umanoy nakikitang bumisita sa nasabing warehouse na kasalukuyan ding naninirahan sa General Santos City.

Sa ngayon ay patuloy parin ang masinsinang pagiimbestiga ng awtoridad para mahuli ang lahat ng sangkot sa nasabing illegal na aktibidad.