-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 8,436 barangay sa buong bansa ang nasa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.

Malaki ang itinaas nito kumpara sa mahigit 3,600 barangay na naitala noong nakaraang araw, Agosto 14.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources–Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB), ibinatay ang assessment sa 72-hour rainfall forecast ng state weather bureau at sa posibleng epekto nito sa mga lugar na flood-prone at landslide-prone.

Pinakamaraming apektadong barangay ang naitala sa mga sumusunod na lugar:

  • Region 1: 2,835
  • Region 3: 1,969
  • NCR: 1,252
  • Region 4A: 765
  • CAR: 624
  • Region 2: 606
  • Region 5: 224
  • Region 4B: 157
  • Region 6: 1
  • Region 13: 3

Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa flood- at landslide-prone areas na manatiling alerto sa anumang pagbabago sa lebel ng tubig, partikular sa mga lugar na malapit sa ilog, dalisdis at drainage canals.

Hinihikayat din ang publiko na agad ireport ang anumang senyales ng paggalaw ng lupa, biglaang pagtaas ng tubig at pagdagsa ng makapal na putik na maaaring senyales ng paglala ng sitwasyon.umang senyales ng paggalaw ng lupa, biglaang pagtaas ng tubig at pagdagsa ng makapal na putik na maaaring senyales ng paglala ng sitwasyon.