-- ADVERTISEMENT --

Nasa kustodiya na ng Carmen Municipal Police Station ang isang wanted person sa kasong 2 counts of murder matapos maaresto sa Sitio Mainline 2, Brgy. Liliongan, Carmen, Cotabato ,umaga ng Agosto 1, 2024.

Kinilala ang ang suspek na si alyas “Kit”, 33 anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, bandang 10:30 nitong umaga nang maaresto ang suspek sa kanyang tirahan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of murder na walang rekomendadong pyansa.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng positibong hakbang sa kampanya kontra kriminalidad ng kasalukuyang administrasyon para sa seguridad ng mga mamamayan at kapayapaan ng bansa.