-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Tiniyak ng South Cotabato Provincial government ang tulong para sa pitong rebel returnees sa bayan ng Tantangan matapos sumuko ang mga ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Police Provincial Director PCol. Jemuel Siason na mga kasapi ng Guerilla Front 73 mula sa Southern Regional Comitee Daguma ang mga ito.

Kabilang sa mga sumuko ang mga platoon at squad leaders mula sa underground group na Militia ng Bayan dala-dala ang kanilang mga armas.

Ayon kay Siason, sumuko ang mga ito dahil sa magagandang programa na alay ng pamahalaan sa mga rebeldeng bumalik sa hanay ng gobyerno.