Nagkaroon ng biruang palitan sina Senator-judge Risa Hontiveros at dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, isa sa mga inimbitahang amici curiae, sa nagpapatuloy na impeachment trial noong Miyerkules.
Nagsimula ang palitan nang sabihin ni Hontiveros na maaari niyang tanungin si Panganiban tungkol sa mga usaping tinatalakay rin ng iba pang amici curiae.
Pabirong sagot naman ni Panganiban, “Maski po sa private pwede ho ako sumagot.”
Nang tanungin siya ni Hontiveros kung ano ang ibig niyang sabihin, pabirong sinabi ni Panganiban, “Dalaga naman po kayo?”
Agad namang nakisali si Presiding Officer Senate President Chiz Escudero sa biruan, matapos nito ay idinagdag ni Panganiban, “Hindi ko po nasabi, binata rin ako.”
Sinagot naman ito ni Hontiveros ng, “I’m sure maraming nagno-note niyan,” na nagdulot ng tawanan sa loob ng impeachment court.
Sa kabila ng naturang biruan, nagpatuloy ang paglilitis at ang talakayan ng mga senador-hukom kasama ang mga amici curiae tungkol sa mahahalagang legal na usapin sa impeachment case.













