-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 35 ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa nasunog na MV June Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, natagpuan ang mga bangkay matapos maapula ang sunog. Dinala ang mga labi sa pantalan ng Borac sa Coron sakay ng BRP Cape Engaño.

Bago ang pinakahuling retrieval operation, limang nasawi at 43 survivors ang kumpirmadong naitala. Patuloy naman ang search and retrieval operations ng mga awtoridad para sa mga pasaherong naiulat na nawawala.

Nasunog ang MV June Aster noong gabi ng Miyerkules, Setyembre 9, habang nasa karagatang sakop ng Coron, Palawan.