-- ADVERTISEMENT --

Dalawampu’t isang katao ang nasawi matapos masangkot sa isang multiple-vehicle collision sa N1 highway sa Western Cape, South Africa.

Ayon sa pulisya, dalawang Toyota minibus taxi at isang Suzuki SUV ang nagbanggaan sa insidente.

Labingwalo sa mga biktima ang idineklarang dead on the spot, habang tatlo pa ang binawian ng buhay matapos isugod sa ospital.

Apat naman ang nagtamo ng malubhang pinsala at patuloy na ginagamot.

Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara sa mga motorista ang bahagi ng N1 highway sa pagitan ng Prince Albert at Leeu-Gamka habang isinasagawa ang clearing operations at imbestigasyon sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng banggaan.