-- ADVERTISEMENT --

Dumating na sa Pilipinas ang humigit-kumulang 170 overseas Filipino workers (OFWs) na repatriated mula sa Kuwait, bilang bahagi ng patuloy na pag-uwi ng mga manggagawang Pilipino mula sa nasabing bansa.

Lumapag ang kanilang sinakyang eroplano ng Kuwait Airways sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bandang alas-7 ng umaga, kung saan sinalubong sila ng mga opisyal mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.

Ang pagdating nila ay kasunod ng naunang batch ng nasa 200 OFWs na umuwi rin sa bansa noong nakaraang Martes.

Bahagi ang repatriation efforts na ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, lalo na sa gitna ng mga umiiral na isyu at alalahanin sa kanilang host countries.