-- ADVERTISEMENT --

Apat na katao ang nasugatan matapos ang serye ng malalakas na pagsabog sa isang weapons depot ng Syrian army malapit sa al-Eis, timog ng Aleppo, Syria nitong Lunes.

Ayon sa state-run SANA news agency, nagsimula ang insidente sa isang malakas na pagsabog na sinundan ng iba pang pagsabog na narinig ilang kilometro mula sa lugar.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente. Agad namang isinara ang mga kalsadang patungo sa military site, habang inilikas ng civil defense ang apat na sugatan.

Pinayuhan din ang mga residente na manatili muna sa kanilang mga tahanan habang nakaalerto ang mga ospital, ambulansya at emergency response teams sa lugar.