-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng isang opisyal ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na hindi pinapayagan ng 1987 Constitution ang Bise Presidente na makilahok sa anumang negosyo habang nanunungkulan.

Ayon kay SEC Company Registration and Monitoring Department Director Gerardo Fernando Del Rosario, malinaw sa Article VII, Section 13 ng Saligang Batas na bawal sa Pangulo, Bise Presidente at mga miyembro ng Gabinete ang pagkakaroon ng ibang trabaho o propesyon, pakikilahok sa negosyo, at pagkakaroon ng financial interest sa mga kontrata ng pamahalaan.

Ipinunto ito ni Del Rosario nang tanungin ng private prosecutor na si Atty. Erwin Matib kung maaari bang magsilbi bilang board member si Duterte sa mga kumpanyang konektado sa kanya, batay sa mga rekord ng SEC.

Kabilang sa mga kumpanyang nabanggit sa pagdinig ang Metro City Chow Foods Corporation at City Hall King Chow Foods Corporation.