-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ni dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban na dapat manaig ang katotohanan at pagiging makatarungan sa mga pagdinig at pagdedesisyon ng Impeachment Court.

Sa pagtatanong ni Senator-judge Robin Padilla kay Panganiban, tinalakay ang papel ng Impeachment Court bilang isang independent body na may kapangyarihang pangalagaan ang sariling proceedings at tiyaking natutupad ng mga miyembro nito ang kanilang mandato.

Tinanong ni Padilla kung ang impeachment trial mismo ang dapat maging panimulang lugar ng paghahanap ng katotohanan at pagpapatupad ng fairness.

Bilang tugon, sinabi ni Panganiban na sa Impeachment Court mismo dapat magsimula at magtapos ang pagpapatupad ng dalawang prinsipyong ito.

Dagdag pa ng dating Chief Justice, mahalaga ang truth and fairness sa lahat, lalo na sa proseso ng pagdinig at pagbuo ng desisyon ng impeachment court.