Nangangamba ngayon sa kanilang sitwasyon ang mga Pinoy Seafearers na pansamantala paring naka-tengga sa loob ng Persian Gulf dahil sa pagsasara ng Straight of Hormuz kasunod ng paghihigpit ng Iranian Revolutionary Guards Corps (IRGC) sa nagpatuloy na sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at Israel laban sa bansang Iran.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadaly kay Captain Viannie de Vicente- tubong Koronadal City at kapitan ng isa sa mga barko na may kargang Liquified Petroleum Gas (LPG) na stranded ngayon sa Persian Gulf, inihayag nito na lulan ng kanilang barko ang 25 ka tao kung saan 15 sa mga ito ang mga Pilipino na babalik na sana sa China nang mangyari ang giyera sa gitnang silangan kung saan mag iisang buwan na silang naka tengga sa Persian Gulf.
Dagdag pa ni de Vicente, natatakot umano ang mga ito na dumaan palabas sa Straight of Hormuz dahil personal umano nitong nasaksihan ang pag-atake na ginagawa ng Iranian Revolutionary Guards Corps sa mga barkong pagmamay-ari ng US at Israel sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga missile at drones sa mga ito na naging sanhi ng pagkasunog ng mga barko.Ayon pa sa kapitan, walang warning o notice na pinapadala ang IRGC sa mga barko at kadalasan biglaan ang pag-atake sa ilan sa mga barko.
Aabot naman sa humigit 100 barko na ang naka tengga sa Persian Gulf at naghihintay na huminahon ang sitwasyon para makalabas sa Persian Gulf at makadaan sa Straight of Hormuz.Pangunahing inaalala naman nito ang mental health kanyang mga tripulante at supply ng kaniyang barko.
Sa ngayon, aabot pa hanggang tatlong buwan ang tubig, pagkain at langis na kinakailangan nila sa barko. Kasalukuyan naman naghahanda ang mga ito ng mga equipments sa sunog dahil sa takot na baka tamaan din sila ng missile galing Iran nang sa gayon mabilis na maapula ang sunog













