-- ADVERTISEMENT --

Gumulong na ang pre-trial proceedings laban kay Bise Presidente Sara Z. Duterte matapos pormal na magtipon ang mga senador bilang isang Impeachment Court ngayong araw, Lunes, Mayo 18, 2026.

Sa pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano, isinuot ng mga senador ang kanilang mga impeachment robe upang pormal na buksan ang pagdinig base sa Articles of Impeachment na ipinadala ng Kamara noong nakaraang linggo.

Agad na nagpalabas ang Impeachment Court ng Writ of Summons para kay Bise Presidente Duterte. Inoobliga ng kautusan ang Pangalawang Pangulo na magsumite ng kanyang opisyal na tugon sa loob ng sampung araw na hindi na maaaring palawigin pa. Inatasan din si Duterte na humarap sa korte sa oras na makatanggap ng abiso.

Samantala, binigyan naman ng limang araw ang House prosecution panel upang maghain ng kanilang reply kapag natanggap na ang opisyal na sagot mula sa kampo ng Bise Presidente.